Tuesday, November 27, 2007

Isang kwento....

Oras: 12:45 AM

Lumipas na naman ang isang araw. Akalain mo yun, bente-singko na ko? Sino mag-aakala na ganun lang yung edad ko. Sa laki ko ba namang ito eh meron bang maniniwala? Siguro may iba na meron pero karamihan, wala. Hindi naman iisang beses na nangyari sa akin na nagugulat ang tao na bata pa ako. Kung yun ngang kumukuha ng litrato sa COMELEC ang hirit sa akin nung nakita ang form ko eh: "Bente uno ka lang????" (nung panahon pong yun ha... wag na kumontra)

Oo na... alam ko nang hindi naman talaga ako mukhang bata. Batang isip siguro pwede pa itawag sa kin. Pero syempre kapag kailangan kong maging seryoso, eh masasabi nyo naman siguro na 'mature' na ko. Tanong nyo man sa nanay ko. Sigurado sasabihin nun ang totoo. Nanay ko pa!

Nung bata kse ako sadyang malaki na akong bata. Dala na rin kse na galing ako sa lahi ng matatangkad at malalaking tao. Awa ng Diyos hindi naman ako lumaki ng palapad, pataas lamang. Lumaki rin ako sa pamilya na tinatawag na close-knit. Nasanay na ako na laging kasama ang kapatid at magulang ko. O kaya tatawag ang nanay o tatay ko sa kin para kamustahin ako.
Nasanay rin ako na laging nilalambing ang kapatid kahit na dati kmeng madalas mag-away. Buti na lang nung lumaki kme eh close na kme. May pa-i lab u pa kme tuwing nag-uusap kme.

Bibo rin po ako nung bata ako. Kahit na hindi ako marunong kumanta, basta nagtawag ang host ng kakanta tas magbibigay ng prize, aba'y andyan na ako at tumatakbo. Ngunit sadyang nde ako biniyayaan ng angking talino sa pagkanta kaya ang ginagawa ko na lamang ay tumula. May litrato pa ako sa pinas bilang pruweba na kumakanta ako at tumutula.

Kahit na ganun ang kinalakihan ko, madalas rin akong tinutukso nung bata. Ganun naman talaga ata pag bata ka. Tampulan ka ng tukso kung may kakaiba sa iyo. Sa kaso ko, malaki kse akong bata. Kundi kapre, minsan higante ang tawag sa kin. Di pa naman ako tinawag na 'baboy'. (medyo bilugan po kse ako nung bata) Jollibee lang naman dahil sa pangalan ko na hindi nila mabigkas. (Di lang ma-appreciate ng mga kalaro ko ang maganda kong pangalan)

Dahil dito, ikinahiya ko ang tangkad ko. Naging mahiyain ako nung mga sumunod na taon. Naging malihim akong bata at oo, natuon sa pag-aaral ang mga ginagawa ko. Dito nagsimula ang pagiging 'geek' at 'nerd' ko. Masaya naman ako kahit na napabilang ako sa mga katagang iyun. Ganun talaga sa eskwelahan eh. Kung hindi ka popular, ikaw ay nasa mga 'nerds' o kaya sa mga outcast. Okey na rin ako sa pagiging 'nerd' kesa naman sa walang pumapansin sa kin o kaya nilalayuan ako. Ang mga kaibigan ko din ay kadalasang mga 'nerd' at honor students. Pero naging swerte ako at nagkaroon ako ng mga barkada na hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin. Sa pasko nga, balak nila akong kitain kahit saglit man lang.

Nung nagtrabaho ako naramdaman ko na bumalik ako sa pagkabata. Nagkaroon ako ng barkada sa una kong pinasukan. Nung panahon ng training, para kmeng mga bata na nagtatakbuhan sa Ayala at sa MRT. Di mo maiisip na mga nagtatrabaho na kme. Pero naging simula yun ng samahan namin na kahit umalis na ang iba sa amin eh mayroon pa rin kaming komunikasyon.
Hindi ko alam kung ano nangyari pero nung nakasama ko sila, nagsimulang mawala ang hiya ko. Siguro dahil na rin wala nang mga libro at exams na kailangan isipin at pagkaabalahan. Wala na rin ang mga nanunuksong kalaro. Unti unting bumabalik ang bibong bata.

Nagdesisyon ako na umalis papuntang Malaysia dahil sa isang simpleng dahilan: ayaw ko na sa Pinas. Ganda noh? Wala naman talaga akong kaplano plano kung ano ba ang gusto ko mangyari sa Malaysia. Kung tutuusin gusto ko lang naman sumakay ng eroplano. Mababaw na kung mababaw pero totoo po yun.

Dumating ako sa Malaysia at nakakilala ako ng mga taong naging mabuting impluwensya sa akin. Ang kukulit din kse nila at tinanggap nila ako bilang ako. Ang dating malihim, hayan... wala na. Lahat ng sikreto nalantad na. Bulgar na. Hayan na nga at may 100 pang nasulat sa akin. Akalain mo yun? Ganun nila ako kakilala? Kse naman pag komportable na ko sa tao, walang tigil na ko sa pagkwento ng mga kalokohan at kahihiyan ko sa buhay, kasama na ang makulit kong pamilya. Magaling lang naman akong magpanggap na parang walang pakialam sa mundo at kunwari'y di makabasag pinggan. Pero kapag nakilala na ko, yari, iba na ang tingin.

Habang binabasa ko ang 100 mga bagay na naisulat tungkol sa kin, nun ko lang nakita na ang laki na rin pala ng pinagbago ko simula ng bata ako. Walanghiya na pala ako ulit. hahaha! Biro lang. Ang totoo, napagtanto ko na may mabubuting mga tao na nakilala ako at tinanggap kung ano ako. At.... maraming nagmamahal sa akin.Laking pasasalamat ko na sila ang nakilala ko at nakakasama dito sa bansang ako'y isang banyaga.

Hindi ko rin inakala na magiging espesyal ako sa araw na ito. Sino ba naman ako para bigyan ng sorpresa? Eh simpleng bati lang naman, masaya na ko. Para tuloy akong nagdebut. Ganun pala ang feeling ng binibigyan ng munting paghahandog. Sabi ko kse dati kaya nde ako nagdebut eh dahil maghahakot lang ako ng papuri mula sa mga tao. Nde ko naman inakala na ganito pala yun. Madami palang version ang pagbibigay ng tribute.

Ngayon sa mga nag-isip at nakisama sa mga pakulong ito: Opo. Pinasaya nyo po ako sa araw na ito. Maraming maraming salamat sa lahat. Nde ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpasalamat sa araw na ito. Yun lang kse ang naiisip kong sabihin na makapagsasabi kung ano ang nararamdaman ko. Andun na lahat yun. Laking pasasalamat ko (sabi sayo may 'salamat' na naman eh) sa Diyos na nagkaroon ako ng mapagmahal na pamilya at mga kaibigan. Wala na kong mahihiling pang iba. (keber na lang sa nanay ko kung hanggang ngayon eh ang sagot ko sa immortal question nya ay WALA)

Muli, maraming salamat. :)

P.S. Di po ako iyakin. Ang iniiyakan ko lang naman nang walang palya ay ang pelikula ni Maricel Soriano at Edu Manzano na Ama, Ina, Anak. Panoorin nyo rin. Tiyak maiiyak din kayo. Ang galing ni Angelica Panganiban eh. :)

Monday, November 19, 2007

100 Things About Genbee

1. Queen bee ng chatroom ng Accenture and SCB (hija, alam ba ng mga amo mo ang ginagawa mo kapag nag-t-trabaho?). Dahil dito, "The Hub" ang term sa kanya ng mga ka ADU nya.

2. bumabawi sya sa geek years nya in college

3. Human compass si Genbee. Madaling makatanda sa mga lugar dahil may strong sense of direction. Kaya naman madalas syang nagiging tour guide. At okay naman ito sa kanya as long as ililibre sya ng food =P. Magaling din syang gumawa ng maps especially for her friends na bago lang sa KL (take note, pati escalator at pinto memorize nya).

4. Among all the sexy actors in Philippine Cinema, may pagnanasa sya kay mike magat bwahahaha!!!

5. Size xx(whoops!) ang size ng pants nya (although ini-stress nya na kapag low-waist ito hahaha)

6. An aspiring photographer. Madalas nyang dala ang kanyang camera at mahilig syang kumuha ng mga artistic shots.

7. Food enthusiast. Mahilig mag try ng mga bagong kainan; madalas bisitahin ang website ng Dessert Comes First at mahilig tumingin sa mga cookbook.


8. Music fanatic; digs alternative (especially OPM bands), pop, RnB and soul.

9. Mahilig sa Jollibee.. Especially chickenjoy! Nakipagpustahan pa sya upang tikman ang sarap ng manok na ito. At dahil dito, mas natutuwa ang mga friends nya na tawagin syang genbee :)


10. Mahilig mag-travel.. Minsan, nangarap siyang maging stewardess kaya lang malabo na ang mata nya kaya hindi natuloy. Mahaba na ang listahan ng mga places na gusto nyang puntahan - Australia, Japan, UK, France, Netherlands, etc.

11. Mahilig sa medium-sized T-shirt (palagi nyang ginigiit yun hahaha). Favorite nya ung Baby Phat na shirt at saka yung yellow shirts niya (kaya madalas natutukso na mascot ng Digi).
12. Isa sa mga matatangkad na taong nakialala ko n a may maliit na paa (5’8 sya pero size 7 lang ang paa nya hehehe)

13. Madaling matakot; kapag sinamang manuod ng horror movie, asahan mong hindi sya makakatulog.

14. Chocoholic; mahilig sa chocolate cake, Royce, beryls..

15. Kuripot; magaling humawak ng pera.. Pdeng maging consultant when it comes to financial matters

16. Certified Art Chick. Siya ang isa sa mga main designers sa Xmas Decoration Contest ng CCMS.

17. Great Cook. One of her passions is cooking at in fairness, magaling talaga siyang magluto. Kaya naman dream nyang magkaroon ng malaking kusina sa bahay niya.

18. Updated sa mga chismis sa celebrities - mapa-Hollywood man or local. Madalas nyang bisitahin ang site ng Hello Magazine, Perez Hilton at PEP.

19. Couch potato. Kapag nasa harap na ng TV, may sarili na syang mundo. Fave nyang panoorin ang ETC, E! Channel, Anything related to travel, Lifestyle Network, Food Channel at si Oprah.
20. A very responsible daughter to her parents; they can always rely on her.

21. A loving sister. Maswerte ang kapatid nya sa kanya. Sobrang love na love nya kasi.


22. Mahilig sa wedding. Frustrated wedding planner kc sya. Madalas nyang bisitahin yung blog ni dino lara at ang mga websites ng mga couples na kinasal.

23. Certified Isko ng bayan. Sobrang gustong gusto nyang makapasok sa UP at kahit hindi Accountancy ang course nya (na pinasa nya sa La Salle at UST), go pa rin sya.

24. Fan ni Chico and Delamar.. Ergo, isa syang rusher. Too bad, wala na sya sa AMEX nung nag host sila ng Christmas Party last year.

25. Isang certified Potterite; nabasa na nya ang 7 books at napanood na nya ang 5 movies.

26. Mahilig rin syang magbasa ng mga romantic novels and chick lit books
27. Isang hopeless romantic.. Ayaw man nya aminin hehehe..

28. Magaling magsulat.. In fact, ang dami na nyang blogs.

29. Aspiring kikay.. In fairness, nag re research na sya kung ano ang ok na damit, makeup, shoes, accessories (o di ba? Pati ba naman sa pananamit, lumalabas ang pagka-geek!)

30. Kilala sa kanyang long straight (ni-rebond) na buhok.. At in fairness, maraming nahuhumaling sa kanya dahil dun.

31. Kilala sya as Bebs nung HS, although ayaw nyang ipaalam ngayon sa mga friends nya.
32. Ang kanyang name evolution: Gennievi - Henoveva - Bebang - Bebs - Gen- Gennie - Genvi- Genbee - Genniebig
33. Sa maniwala kayo't hindi, naging favorite nya ang kantang "Sana ay Mahalin mo rin ako" ng April Boys (siya na lang ang tanungin nyo kung bakit hahaha!)

34. Malakas ang kiliti. Na-t-trauma na ata kapag nagpapa-massage kc namimilipit siya habang pinipigilan ang pagtawa.

35. Madalas mapuyat sa kakapanuod ng mga koreanovela at anime sa youtube.

36. Sabi ni Pia --> "She’s a sister I can count on too even in my deepest need. She treasures friendship no matter what; even if you seldom see each other."

37. Next top model si gen kasi ang laki ng potential niya na maging hearthrob hehe... ngayon pa nga lang dami na nagkakagusto sa kanya... kailangan lang maconvert to kinetic yung potential na yun para maging isang ganap na diyosa siya hehe...


38. Very generous friend si gen... mararamdaman mo talaga ang pag-alala niya sa yo kung kaibigan ka niya... hindi niya makakalimutan mga kaarawan at maaasahan mo ang tulong niya pagdating sa mga problema lalo na sa pag-ibig (naks)

39. Siya ang ang taong kinakapitan ng lahat, lalo n sa mrt! (kc sya lang ang kayang makaabot sa steel bars sa gitna ng tren, haha!).

40. ang taong kasama naming tumakbo sa escalator ng mrt pag malapit na ang tren, "gen, takbo!" =)

41. nata-touch sa bouquet of flowers na gift (o, umamin ka! haha)

42. bihirang magkacrush! super selected lang nagugustuhan nyan! pihikan sobra, ung tipong sobra pa ata 5 daliri sa kamay kesa s bilang ng naging crush nya...

43. gusto nya sa guy.... hmmm,sorry gen, pero sasabihin ko na... mahilig sya sa magandang _ _ _ _ _! (ask nyo nlng sya, baka magalit e.hehe.)

44. A great partner when it comes to organizing events. Marami syang magagandang ideas.. she's very organized when it comes to planning. No wonder, may potential sya talagang maging events organizer.

45. Madaling mag blush.. Kaya hindi na nya kailangang maglagay ng blusher.. "tisay" kasi hahaha.. mantakin mo, nagblush nang hinalikan sya ng isang cute na barely 2 year old boy... in fairness, di nya kailangan mag-makeup para magka-rosy cheeks

46. Ang resident girl next door/mowdel ng Unit 1-07B (with matching bangles pa kamo) bwahahaha!

47. Sya ay coco-lover.. mahilig sa coconut

48. Childhood dream nya ang maging kusinera kc mahilig syang maglaro ng lutu-lutuan nung bata pa sya.

49. Wala pa syang namemeet na artista, local (mas lalong wala sa international
scene)...pero may picture syang kasama ang isang local Malay celebrities na kamukha ni Rene Requestas.



50. Kung wala sya sa IT as programmer, isa syang financial analyst. ano daw? hwag nang itanong kasi di ko rin alam.

51. Kikay sya nung bata pa sya, in fact, mahilig rin syang maglaro ng barbie (aaaah.. ngayon ba hindi?).

52. Eternal question ng mother dear na, "anak may bf ka na ba?". Madalas itong itanong sa kanya tuwing tumatawag sa kanya si inay (I wonder kung kailan mapapalitan ang madalas mong sagot sa tanong na ito).

53. Wala syang sport pero nung bata sya, mahilig syang maglaro ng piko at lutu-lutuan

54. She had this geeky image nung highschool sya pero CAT officer sya ... i think nasa top five sya sa class... sya yung pang-six

55. Takot sya sa aso... sa tingin namin, takot din yung aso sa kanya.

56. Minsan na syang gumamit ng codename na KIM POSSIBLE sa kris kringle

57. Self-confessed sharonian sya. at fan sya ng tambalang sharon-richard pero love nya ang movie na madrasta.

58. Malapit ang bahay ni manilyn reynes sa kanila

59. Walang sport si genbee.. self confessed na olats sya when it comes to ball games. Pero wag ka, ang lola mo, naka-uno sa self defense class nya.

60. Tamad si genbee mag exercise.. hindi ata hiyang. In fact, nagkasakit sya nung sumama syang mag jogging kasama ang mga team mates nya.

61. Favorite nya ang lumpiang toge... nakaka-limang lumpia sya saisang kainan (syempre pareho kameng tig-lima kasi hating kapatid)

62. Palaging nagbablush pag sinimulan mo syang bigyan ng sex education... (naiiskandalo kuno, pero wag ka kumukuha lang sya tips)

63. Ang babaeng mababaw ang tulog - nagigising sa konting ingay sagabi... (hehe kaya di ka makakaligtas kung meron ka kalokohang gagawinsa gabi..hehehe)

64. Masarap syang gulatin! especially kung nakaharap sya sa monitorhabang nagwowork... (mabuti na lang ala syang sakit sa puso).

65. Seriously, a treasure once you get to know her. Pag nakuha mo angtrust nya, she'll tell you everything.. hmmm like... oooppss secret!be her friend muna...

66. Secret keeper.... truly, deeply, as in... her lips are sealed whenyou say so...

67. Fave song namin ang fall for you... nagduduet pa kame... kasirelate kame pareho!

68. Meron syang favorite dance step pag nagba-bar... ika nga ni dru...self defense step...

69. Nagkalat ang mukha ni Gen sa mga ISCM - 3 ang pic nya bilang candidate ng ODD sa ISCM at take note, iba iba ang attire nya dun (mukhang hindi pinaghandaan haha!), meron sa Q12, ang head shot kung san sya ay nakatingala (in fairness, malaki ang pic na yun) at sa kiosk ng SCB na makikita sa SCB PJ State branch.

70. Since hearthrob in the making ang ating bday celebrant, marami nang lumapit sa kanya at nag-approach para kilalanin sya - may mediterranean at mostly chinese.

71. Her name is supposedly “Genevieve” but her mom unable to spell the name so she invented Gennievi (at least unique sya!)

72. Taga-UP pero nde pa nakakakain sa Chocolate Kiss (taga UP ka ba talaga?! Wehehehehe)

73. Mas hate nya maglaba kaysa mamalantsa (weird noh?! Nagkukusot pa kse sha ng mga damit)

74. Kaya nya ang gory at bloody movies pero wag lang ghosts...

75. Gusto maglinis pag alang magawa

76. Matyaga mag guide sa newbies (like Joan)

77. Ovaltine lang tinatanggap nya, ayaw nya ng milo! kaya ayaw nya sa accenture kc milo daw tau.

78. Reason kung bakit sya nag-stat => dahil sa same building 'to ng BA ( College of Business Ad )! ang pangarap po kc nya tlga e BA na course. heheh. o dba, malapit nmn ang stat sa BA, ....isang building lang!hahahah!

79. One of her biggest dreams ay ang makarating sa Australia.

80. She's attracted to tall or clean-looking guys.

81. Kung sasali daw sya sa amazing race, kukunin nyang partner and sister nya (aaaw ang sweet!)

82. Habang gumagala sila ng kapatid nya sa Singapore , inalok silang maging mowdel (seryoso ito).. pero ndi ko lang alam kung model ng kuko lang.

83. Hindi marunong magbisikleta si genbee (kawawang bata, ndi nag bi bike...childhood issue? =P)

84. Hindi rin sya mahilig sa tubig - so ayaw nyang mag swim. Malabo kasi ang mata nya. May booboo story pa nga sya eh. If ever na isasama sya sa beach, expect nyong nasa beach lang talaga sya.

85. Madalas ipakabit ng nanay nya ang kurtina sa bahay nila.. at hate na hate nya yun pag inuutusan sya.

86. Mahilig sya sa watch. Willing syang mag-splurge para dun. =P

87. Willing photographer sya.. In fact, kung kinakailangan, hihiga sya sa daan para makuha ang perfect angle mo.

88. Bagay ang pula at cheongsam sa kanya... according to her fashion consultant, Minerva.

89. Ang favorite color nya ay yellow at orange. Tingnan mo ang mga damit nya hehehehe.


90. Never pa syang napadpad sa KLIA airport; never pa syang sumakay ng ibang airline maliban sa Air Asia (dapat may free miles ka na nyan! :P)

91. Active na lector sa kanilang simbahan.
92. Mahilig syang mag collect ng wooden keychain na tsinelas... pati tsinelas, mahilig rin syang mag collect :P
93. Fave nya ang choco mousse ng red ribbon at lemon squares brownie sa pinas. Ito ang gusto nyang balikan hehehe.
94. kapag nakita mong tumatawa na yan mag-isa sa cube nyan.. napaghahalatang nag cha chat yan.. posible kc na inaasar sya nang todo (kung anong nature nun.. itanong nyo na lang ang regular chatmates nya
95. Favorite nya si Winnie the Pooh.. in fact, dream nyang magpakuha ng pic na ka-hug si Winnie the Pooh kapag nakarating na sya ng Disneyland :)
96. She always makes a funny sound when she reacts. Kung gusto nyo ng sample, ask nyo si Gilbert hehehe..
97. Sya ang nagpauso ng expression na "wooh" sa chat.. basic form lang yun.. pdeng maging "wooooh".. at pde pang humaba yun depende kung paano yun gagamitin. Pero ok nga rin kc ang daming flexible ang expression na yan.. pdeng ang ibig sabihin nun ay "oh i see.."; pde ring pagkagulat (ung parang "ha?") at marami pang iba.
98. One thing na na-mi-miss nya sa Pinas ay ang Christmas lights sa kahabaan ng Ayala Ave. Sa tingin nya, nakaka-relieve ng stress ang paglalakad habang pinagmamasdan ito.
99. Naging fanatic sya ng F4.. at ang super duper crush nya.. si Jerry Yan! (lagot ka kay Agri)
100. Marami syang romantic novels.. ung tipo ng mga novels na kapag nalaglag e may fixed page kung san naka bukas (in other words, ung may mga graphic details ng you know...).. If i know, kumukha ka lang ng tips!
Whew! Grabe.. sa wakas na-complete rin ang list na ito.. Yung may next birthday, pde bang 50 things na lang? hehehe..
Sana Gen naging happy ka sa list na ginawa naming lahat for you (aba dapat lang noh! Ang hirap kayang mag-isip!) :)
HAPPY BIRTHDAY!!!